Opinyon ni sports columnist Al S. Mendoza sa usaping Pacquaio kontra Marquez uli

TSAMP (Abante Tonite, Oct.13,2013)

 By AL S. MENDOZA

 
Pera-pera lang iyan
 
 
Ayaw na raw talagang labanan ni Juan Manuel Marquez si Manny Pacquiao.  Wala na raw kasi siyang dapat patunayan pa.
 
Oo nga naman.  Di ba’t pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa 6th round noong Disyembre 2012?
 
Iyon ang unang panalo ni Marquez sa apat nilang laban ni Pacquiao mula 2004.  Ang una’y tabla at ang sumunod na dalawang salpukan ay panalo si Pacquiao sa puntos.
 
Sasagupain naman ngayon ni Marquez si Timothy Bradley.  Si Bradley ang nagpatikim sa una sa dalawang talo ni Pacquiao noong 2012.
 
Talo sa puntos si Pacquiao kay Bradley sa desisyong kontrobersiyal pero magkagayunman, naroon na iyon.
 
At asasabing dahil sa dalawang talo noong 2012 ni Pacquiao, isa na lang ang laban niya sa 2013.  Ito’y sa Nob. 24 laban kay Brandon Rios.
 
Matindi rin itong Mehikanong si Rios.  Ang rekord niya’y 31-1-1 at may 20 knockouts.
 
Ako’y tinanong kung kangino ako sa laban ngayon nina Marquez at Bradley.
 
Marquez siyempre, pero sa isang kondisyon:  Na hindi tatakbo mula Round 1 hanggang Round 12 si Bradley.
 
Kilala kasi si Bradley na takbuhin at pag nagkataon, hindi siya tatamaan ni Marquez nang matindi.
 
Kaya’t kung masilat si Marquez sa puntos tulad nang nangyari kay Pacquiao, di ako magtataka.
 
At sa usaping Pacquiao kontra Marquez uli, pera lang katapat niyan.
 

Sa premyong korek (right prize), Marquez yuyukod din.  Boksing ire at pera-pera lang iyan.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.