Press Release
NU Bulldogs Pep Squad hindi pa rin kuntento
Bagama’t isa-isa nilang dinodomina ang lahat ng mga torneong sinasalihan, iginiit ng NU Bulldogs Pep Squad na hindi pa rin sila kuntento sa kung ano ang kanilang natatamasa.
At ilang araw matapos silang magtala ng bagong pamantayan sa NCR qualifier ng national cheerleading Championships nitong weekend, nakatuon na ngayon ang atensyo ng NU starflyers sa international stage.
“Hindi pa kami nagpe-peak in terms of performance. We know, marami pang pwedeng ipakita ang aming team. Marami pa kaming pwedeng gawin,” wika ni NU coach Ghicka Bernabe, ilang saglti matapos magrehistro ang kanyang team ng kahanga-hangang 314.5 points, mas mataas ito ng 16 points sa dating record na kanila ring itinala nuong isang taon.
“Ang aming goal po talaga is to one day wave our flag in international competitions. Right now, that is our target. We are perfecting our routines and steps so we can ready ourselves for the bigger stage one day,” paglalahad ng dating FEU star flyer.
“Gusto po namin ma-conquer ang Asia and then the world!” dagdag ni Bernabe matapos ang kanilang tagumpay kontra 24 na iba pang kalahok sa NCR qualifiers, na sinalihan rin ng UAAP rivals UST, UE and Ateneo in the NCC qualifier.
Sa magandang ipinapakitang ito ng NU, maging ang veteran cheerleading judge na si Paula Nunag ay nagsabing may maliawanag na bukas ang naghihintay sa Bulldogs pep squad.
Katunayan, ipagpatuloy lamang aniya ng Sampaloc, manila based squad ang kanilang determinasyon at pagpupursige, may kakakayahan ang mga ito na makipag sabayan sa mundo.
“Over the last few years, they’ve made great strides in developing their cheerleading. Kita mo naman ang laki ng inimprove nila. Ang taas ng naging jump nila,” wika ni Nunag.
“Makikita mo talaga na their focus is to improve and outdo themselves everytime. Yes, they can be the country’s great chance in international competitions. One step at a time like they did in local tournaments, may chance sila (sa abroad),” dagdag pa nito.
Sa March 9 ay dedepensahan ng NU Pep Squad ang kanilang NCC title sa SM Mall of Asia Arena laban sa 24 other teams na magmumula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Paniniwala ni Bernabe, ang pagdepensa nila sa NCC crown ay isang hakbang para kanilang pagtibayin ang kanilang misyon na sungkitin ang second straight UAAP cheerdance crown.
“These are the baby steps to our mission of finally hitting the bigger stage (the Asia and the world). And of course, defending the NCC title is another steps towards defending our UAAP crown,” kwento pa ng Bulldogs coach na bumuo ng koponang batbat ng young dancers, gymnasts and aerial acrobats.
