Message from PBA Chairman Patrick “Pato” Gregorio:
“Nais kong ipaabot ang aking magiliw na pagbati sa San Miguel Beermen at Alaska Aces sa kanilang epikong pagtatagisan ng galing at talento, at sa libo-libong fans na walang sawang sumuporta sa ating liga.
Bilang pasasalamat ng PBA Board of Governors, kasama ni Comm. Chito Salud sa matagumpay na Philippine Cup, we are giving out the General Admission tickets for FREE on the opening of the Commissioner’s Cup on January 27 at the MOA Arena.
Kaya dalhin na ang pamilya at isama ang buong barkada!
Muli po, maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa nag-iisang Liga ng Bayan!”