Tonite’s Al S. Mendoza: Wasakan ng rekord

ABANTE T O N I T E

TSAMP

ni AL S. MENDOZA

Wasakan ng rekord

Sa 6 na laban ay kikita ng $100 milyon si Floyd Mayweather Jr. sa kanyang kontrata sa Showtime.  Naka-apat na laban na siya.  Panalo lahat.  Kapag nakumpleto niya ang 6 na laban, tumataginting na $100M.
Ibahin si Mayweather:  Pinakamagaling nang boksingero, pinakamagaling pang negosyador.
Isipin:  Si Manny Pacquiao ang kanyang ika-5 kalaban sa kontratang Showtime.  Bukod sa kanyang siguradong kita na $100M mula sa 6-fight contract sa Showtime, tatabo pa lalo siya ng limpak-limpak na salapi sa salpukang Pacquiao-Mayweather.
Sa ulat ng The Telegraph sa America, naikasa na ang $250 milyon sa Pacquiao-Mayweather fight Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada.  Halos P10 bilyon iyan.
Dahil 60-40 ang hatian, nasa P6B kay Mayweather at P4B kay Pacquiao.
Ito na ang pinakamayaman sa anumang larangan ng sports. Isa na namang karangalang regalo iyan ni Pacquiao sa ating bansa.
At hindi lang iyan.  Tulad nang nasabi ko na rito, hindi malayong si Pacquiao din ang ika-6 na kalaban ni Mayweather sa pagtatapos ng kanyang 6-bout contract sa Showtime.
Mahirap masabi kung sino ang magwawagi.
Pero, ano kaya kung sa unang dalawang salang nila ay magtig-isang panalo sila?
Sa ikatlong laban, wasak lahat ng mga rekord sa kasaysayan ng boksing.
At maghahalo ang balat sa tinalupan.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.