Pagdiriwang ng mga kultura at paglaban sa kapootang panlahi

News Release

Pagdiriwang ng mga kultura at paglaban sa kapootang panlahi


Muling binubuksan ng pamahalaan ng Alberta ang mga
Etnokultural at Paglaban sa Kapootang Panlahi na
Gawad upang suportahan ang mga inisyatiba na
pinamumunuan ng komunidad na nagdiriwang ng
pagkakaiba-iba ng kultura at tumutugon sa kapootang
panlahi.
Ang mga masisiglang kultural na komunidad ng Alberta ay isang mahalagang
bahagi ng kung bakit ang lalawigan ang pinakamagandang lugar upang manirahan,
magtrabaho at magpalaki ng isang pamilya. Sa pinagsamang pamumuhunan na
$13.5 milyon sa loob ng tatlong taon, ang mga Grawad na Etnokultural at Paglaban
sa Kapootang Panlahi ay tumutulong sa mga organisasyong pangkomunidad na
maghatid ng mga proyektong nagbabawas ng diskriminasyon, nagpapatibay ng
pagsasama at sumusuporta sa pag-akit at pagpapanatili ng magkakaiba at may
kasanayang manggagawa.
“Ang Alberta ay tahanan ng maraming masisiglang multikultural na komunidad at
dapat palaging maging ligtas na lalawigan para sa sinumang tumatawag dito na
tahanan. Ipinagmamalaki ko ang gawaing ginagawa ng ating pamahalaan upang
makipag-ugnayan sa mga multikultural na komunidad, manindigan laban sa
kapootang panlahi at panatilihin ang Alberta na isang mapagtanggap na lugar para
sa lahat.”
Muhammad Yaseen, kasamang ministro ng Multikulturalismo
Gawad sa Etnokultural na Programa

Ang Gawad sa Etnokultural Programa ay sumusuporta sa mga proyektong
nagtatayo ng higit pang inklusibong mga komunidad habang pinagsasama-sama
ang mga tao mula sa iba’t ibang mga pinagmulan. Hanggang sa $50,000 ang
magagamit para sa mga inisyatiba na lumilikha ng mga pagkakataong bumuo ng
mga koneksyon sa mga grupong etnokultural at Katutubo, at hanggang sa $15,000
ang mapupunta sa mga proyektong nagdiriwang ng pagkakaiba-iba.
“Nakatulong ang Gawad sa Etnokultural at Paglaban sa Kapootang Panlahi ng
Alberta (Alberta Ethnocultural and Anti-Racism Grant) sa pagbibigay ng buhay sa
Contemplating the Tapestry of Filipino Canadian Connections art na eksibit.
Ipinagdiwang ng eksibit ang mga magkakaibang kultural na salaysay, mga
ibinahaging kasaysayan at mga magkakaugnay na karanasan sa pagitan ng mga
komunidad ng Pilipino at Canada. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa
Etnokultural at Paglaban sa Kapootang Panlahi na gawad ng Alberta, na nagbigay-
kakayahan sa amin na lumikha ng isang makapangyarihan at mabisang kultural na
karanasan na nagdiwang ng Pilipino Canadian na kasiningan, nagtaguyod ng
diyalogo at nagsulong ng pagiging inklusibo.”
Ida Beltran-Lucila, presidente, Konseho ng Sining ng Pilipinas sa Alberta


Gawad Laban sa Kapootang Panlahi na Programa
Ang Gawad Laban sa Kapootang Panlahi na Programa y tumutulong sa mga
komunidad na bumuo ng kapasidad na labanan ang diskriminasyon at tugunan ang
kapootang panlahi. Hanggang sa $10,000 ang susuporta sa mga inisyatiba na
parehong nagtuturo sa mga taong naninirahan sa Alberta at bumuo ng kapasidad ng
organisasyon upang suportahan ang gawaing panlaban sa kapootang panlahi, at
hanggang sa $5,000 ang mapupunta sa mga proyektong nagpapataas ng
kamalayan sa kapootang panlahi at mga epekto nito.
“Ang pera ng pamahalaan na ibinigay sa amin ay mahalaga sa pagtupad ng aming
misyon. Nagbigay ito sa amin ang mga kagamitan na kailangan namin upang
maisakatuparan ang ilang mga proyekto, tulad ng pagpaplano ng mga pag-uusap sa
komunidad at mga workshop pati na rin ang paglikha ng mga materyales na pang-
edukasyon at mga programa ng pag-aabot-kamay. Bilang karagdagan, ang
pagpipinansiya ay naging posible para sa amin na magbayad ng mga matatalinong
tagapagsalita at mga tagapagsagawa, na ginagarantiyahan na ang aming mga programa ay magkakaroon ng epekto at parehong nakapagtuturo at nakakaaliw.
Matthew Gaye, presidente, Siklo ng Tiwala (Cycle of Trust)


Bukas na ngayon ang mga aplikasyon ng gawad at magsasara sa Disyembre 19.
Bukas din ang pagpaparehistro para sa sesyon ng impormasyon sa Oktubre 21,
kung saan ibibigay ang karagdagang impormasyon sa mga programa.
Mabilis na mga katotohanan
 Ang mga programang ito ay bukas sa mga pangkat na nakabase sa
Alberta kabilang ang:
o Mga hindi pangkalakal na organisasyon, kabilang ang mga grupong
multikultural at nakabatay sa pananampalataya, mga First Nation at
mga Metis Settlement, mga post sekundaryong institusyon, mga
paaralan at mga lupon ng paaralan.
o Noong 2024-25, ang Gawad sa Etnokultural at Paglaban sa
Kapootang Panlahi na mga Programa ay nagbigay ng $5.5 milyon
sa pagpopondo sa halos 200 grupo ng komunidad upang isulong
ang cross-cultural na pag-unawa at labanan ang kapootang panlahi.
o Sinuportahan ng $5.5 milyon ang higit sa 230 mga organisasyon
noong 2023-24.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.