Philippines

AFP nanawagan na ipagdasal na ang pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi sa pagsapit ng Ika-100 araw ng rebelyon

 

AFP nanawagan na ipagdasal na ang pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi sa pagsapit ng Ika-100 araw ng rebelyon

MANILA (Radyo Pilipinas) — Nanawagan ang AFP sa publiko na ipagdasal ang pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi sa pagsapit ng ika-100 araw ng rebelyon ngayong araw na ito.
Kasabay nito, umapela si AFP Spokesman Brig Gen Restituto Padilla sa mga mamayan na suportahan ang mga sundalo na ginagawa aniya ang lahat para maibalik sa normal ang sitwasyon ng lungsod at mailigtas ang mga natitira pang bihag.
Una nang inihayag ni Padilla na nalalapit na ang katapusan ng mga terroristang Maute na ngayon ay naka-confine na lang sa 500 square meter area sa main battle zone.
Sa tantya ng militar nasa 40 na lang ang mga kalabang terorista sa loob ng Marawi, kabilang na rito ang mga lider ng grupo na sina Isnilon Japon at ang Maute brothers na sina Abdullah at Omar
Kasalukuyan na aniyang pinaghahandaan ng AFP ang final battle na magaganap sa nalalapit na panahon.
Sa loob ng nakalipas na 100 araw ng bakbakan, umaabot na sa halos 800 ang napapatay sa gyera batay sa huling taya ng militar
617 rito ay mga kalabang terorista, 133 ang mga tropa ng gobyerno habang 45 ang mga sibilyan. (Leo Sarne) #radyopilipinas1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s