News Release
YourAlberta (Pamahalaan ng Alberta)
Magpapabakuna? Narito ang ilang mga tip upang makatulong na gawing mas madali ang karanasan
+ Kausapin muna ang iyong tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kang anumang mga katanungan o alalahanin
+ Gumawa ng isang plano upang malimitahan ang kakulangan ng kaginhawaan sa panahon ng iyong appointment – magsuot ng maluwag na pang-itaas o maikling manggas, umupo nang tuwid at nang mapahinga ang iyong braso
+ Alamin kung anong mga karaniwang epekto ang maaari mong maranasan at kung paano pamahalaan ang mga ito sa bahay. Karaniwan at normal na magkaroon ng mga pansamantalang epekto, na maaaring tumagal ng ilang oras hanggang ilang araw. Kung kinakailangan, maaari mong tanungin ang iyong tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan kung ano ang inirerekumenda nila para pangasiwaan ang mga sintomas.
Ang mga bakuna na naaprubahan para magamit sa Canada ay napatunayan na ligtas, mabisa at may mataas na kalidad.
Matuto nang higit pa tungkol sa paglulungsad ng pagbabakuna ng Alberta: alberta.ca/vaccine
Page para sa mga naisaling mapagkukunan ng Alberta: