Alberta / covid 19

Ang mga batang may edad na 5-11 taong gulang ay karapat-dapat na ngayon para sa bakuna sa COVID-19

News Release

Ang mga batang may edad na 5-11 taong gulang ay karapat-dapat na ngayon para sa bakuna sa COVID-19

Ang mga batang may edad na lima hanggang 11 taong gulang ay malapit nang magkaroon ng pagkakataon na maprotektahan mula sa COVID-19. 

Malugod na tinatanggap ng pamahalaan ng Alberta ang balita na inaprubahan ng Health Canada ang bakuna ng Pfizer para sa mga batang may edad na lima hanggang 11. Ang mga bakuna ay inaasahang dumating sa lalawigan sa linggo ng Nobyembre 22. 

Kung maihahatid ang panustos tulad ng inaasahan, binabalak ng Alberta na simulan ang pagbibigay sa huling bahagi ng susunod na linggo. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga pagpapatala at paggawa ng tipanan ay ibabahagi kapag makukuha na ang mga ito. 

Sa kasalukuyan, maaaring paunang irehistro ng mga magulang at mga tagapag-alaga ang kanilang mga anak sa Alberta Vaccine Booking na sistema upang maging handa kapag nagbukas ang mga pagtitipan.

“Alam ko na maraming pamilya sa Alberta ang sama-samang nakakahinga nang maluwag sa pagkakaalam na maaari na kaming makapagbigay ng proteksyon sa kanilang mga anak mula sa COVID-19. Napatunayan ng ating lalawigan na ligtas at mabilis itong nakakapaghatid ng makabuluhang dami ng mga dosis, at sa pagkakataong ito ay hindi magiging iba. Kami ay handang-handa na magbigay ng mga dosis sa mga bata sa sandaling ang kanilang mga magulang at mga tagapag-alaga ay handa nang mag-book ng kanilang mga tipanan.”

Jason Copping, Ministro ng Kalusugan

“Habang ang mga bata ay nasa isang makabuluhang mas mababang panganib ng malubhang mga resulta mula sa COVID-19, maaari pa rin silang mahawahan ng virus at maipasa ito sa iba. Ito ay lalong mahalaga habang tayo ay patungo sa panahon ng taglamig at ang karamihan ay nagtitipon sa loob ng bahay. Habang isinasaalang-alang ng mga magulang ang pagpipiliang ito para sa kanilang mga anak, mangyaring kumonsulta sa mapagkakatiwalaang mga mapagkukunan ng impormasyon at isaalang-alang ang mga benepisyo hindi lamang para sa ating mga anak kundi para din sa mga taong nakapaligid sa kanila.”

Dr. Deena Hinshaw, punong medikal na opisyal ng kalusugan

Programa para sa mga Paghihigpit sa Iksemsyon

Ang mga batang wala pang 12 taong gulang ay patuloy na magkakaroon ng akses sa mga negosyo at lugar na kalahok sa Programa ng Iksemsyon sa mga Paghihigpit (Restrictions Exemption Program), anuman ang kanilang katayuan sa pagbabakuna.

Ang Programa ng Iksemsyon sa mga Paghihigpit (Restrictions Exemption Program) ay gumagana nang maayos sa mga batang ito na nakakapag-akses ng mga pasilidad kasama ang kanilang mga magulang o mga tagapag-alaga na nakakatugon sa mga kinakailangan ng programa, o nakikilahok sa mga aktibidad ng kabataan habang sumusunod sa kasalukuyang mga hakbang sa pampublikong kalusugan.

Mabilis na mga Katotohanan

  • Ang Comirnaty COVID-19 na bakuna ng Pfizer-BioNTech ay ang tanging bakuna na inaprubahan para gamitin sa mga batang may edad na lima hanggang 11 taon sa Canada. 
  • Inaprubahan ng Health Canada ang bakuna ng Pfizer para sa mga batang may edad na lima hanggang 11 taon noong Nobyembre 19. Naaprubahan din ito para gamitin sa U.S.
  • Mahigit sa 390,000 mga Albertan na may edad na lima hanggang 11 taon ang magiging karapat-dapat para sa bakuna sa COVID-19.
  • Hanggang ngayon sa Alberta:
    • Para sa mga batang may edad na lima hanggang 11 taon, mayroong humigit-kumulang 30,700 mga kaso ng COVID-19 na nasuri mula noong Marso ng 2020, kung saan 78 sa mga kaso na iyon ay napunta sa ospital at 20 sa masinsinang pangangalaga. 

COVID-19 sa mga bata

  • Ang mga batang wala pang 12 taong gulang ay mayroong pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa Canada.
  • Ang karamihan sa mga kaso sa mga bata ay mas banayad kaysa sa mga nasa hustong gulang ngunit ang ilang mga bata ay maaaring magkasakit nang husto, magkaroon ng pangmatagalang mga sintomas o mga komplikasyon gaya ng multisystem inflammatory syndrome sa mga bata (MIS-C).
  • Maaaring maikalat ng mga bata ang virus kahit na wala silang mga sintomas, na posibleng maglantad sa mga mahihinang kaibigan, pamilya o mga miyembro ng komunidad.
  • Ang bawat taong nahawaan ng COVID-19 ay nagbibigay ng pagkakataon para sa virus na mag-mutate at maging mas nakakalaban sa mga paggamot o mga bakuna. Ang mas kaunting mga impeksyon ay nangangahulugan ng mas kaunting pagkakataon ng mga mapanganib na variant.
  • Ang Canadian Pediatric Society ay nagrerekomenda na ang mga karapat-dapat na bata ay mabakunahan. Habang ang mga bata ay may mas mababang panganib na magkaroon ng malalang sakit, ang mga bakuna ay nag-aalok ng pinakamahusay na proteksyon mula sa pagkuha o pagkalat ng COVID-19.

Imyunidad

  • Dahil ang COVID-19 ay isang bagong virus, walang sinuman ang may paunang umiiral na kaligtasan sa sakit.
  • Ang kaligtasan sa sakit para sa mga taong nagkaroon ng COVID-19 ay maaaring hindi magtagal at hindi ito kasinglakas ng proteksyon ng bakuna.
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.