Alberta

Susuportahan ng mga gawad ang pagkakaiba-iba at lalabanan ang kapootang panlahi

Palabas na balita

Susuportahan ng mga gawad ang pagkakaiba-iba at lalabanan ang kapootang panlahi

Ang Alberta ay naglulunsad ng isang bagong programa ng gawad upang madagdagan ang kamalayan sa kultura at tulungan ang mga Albertan na matugunan ang kapootang panlahi.

Ang Programa ng Gawad sa Multikulturalismo at Panlaban sa Kapootang Panlahi (Multiculturalism and Anti-Racism Grant Program) ay namumuhunan ng $1 milyon para sa mga organisasyong pangkomunidad upang lumikha ng mga proyektong nagdiriwang ng pagkakaiba-iba sa Alberta at hinihikayat ang mga Albertan na mag-isip at magsalita tungkol sa mga pagsisikap laban sa kapootang panlahi.

Susuportahan ng mga matagumpay na aplikasyon ang mga proyektong magpapahusay sa pag-unawa sa magkakaibang kultura ng Alberta, magbibigay-tuon sa mga paghamon na kinakaharap ng mga taong nakakaranas ng kapootang panlahi at/o makakatulong sa lahat ng mga Albertan na mas maunawaan at gumawa ng aksyon laban sa kapootang panlahi.  Ang mga grupo sa komunidad ay karapat-dapat na makatanggap ng hanggang $30,000 upang suportahan ang mga inisyatibong ito.

Ang mga aplikasyon ay tatanggapin hanggang Nobyembre 16 at bukas sa mga organisasyong hindi pangkalakal na nakabase sa Alberta, kabilang ang mga organisasyong multikultural at batay sa pananampalataya, First Nations at mga Tirahan ng Metis.

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng programa ng gawad na ito, ang pamahalaan ng Alberta ay patuloy na gumagawa ng aksyon sa multikulturalismo at paglaban sa kapootang panlahi sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga kultural na komunidad na ibahagi ang kanilang karanasan at itampok ang kanilang mga kontribusyon sa Alberta.

Ang Plano ng Aksyon Laban sa Kapootang Panlahi ng lalawigan ay isang mapa ng daan para sa makabuluhang aksyon at binabalangkas ang pangako ng pamahalaan sa pagkakaiba-iba. Kabilang dito ang kamakailang Mga Parangal ng Pagkilala sa Bagong Dating ng Alberta (Alberta Newcomer Recognition Awards) upang ipagdiwang ang mga tagumpay ng mga imigrante, kasama ang mga tatanggap na inihayag noong Setyembre 21, at pampublikong pakikipag-ugnayan upang magtipon ng impormasyon upang matugunan ang kapootang panlahi. Ang Konseho ng Pagpapayo Laban sa Kapootang Panlahi (Anti-Racism Advisory Council) ng Alberta ay gumanap ng mahalagang papel sa gawaing ito.

Mabilis na mga Katotohanan

Tatanggapin ang mga aplikasyon hanggang alas 11:59 ng gabi sa Nobyembre 16.

Ang mga gawad ay bukas sa mga organisasyong ito na nakabase sa Alberta: 

mga organisasyong hindi pangkalakal (isinama, nakarehistro o itinatag sa ilalim ng batas ng panlalawigan o pederal), kabilang ang mga Katutubo, multikultural at batay sa pananampalataya na mga organisasyon

First Nations

Mga Tirahan ng Metis

Ang mga karapat-dapat na proyekto ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa isa sa mga sumusunod na layunin: 

Pagpapataas ng kamalayan sa iba’t ibang kultura.

Pagpapataas ng pang-unawa ng mga Albertan sa mga taong mula sa ibang mga kultura at kanilang mga pagkakaiba.

Ang pagpapataas ng pang-unawa ng mga Albertan sa kapootang panlahi at ang mga paghamon na kinakaharap ng mga Katutubo at pinaglahing mga grupo.

Ang pagdaragdag sa kaalaman ng mga Albertan upang mas mahusay nilang makilala at matugunan ang kapootang panlahi.


Kaugnay na impormasyon

Gawad sa multikulturalismo at panlaban sa kapootang panlahi

Plano ng Aksyon Laban sa Kapootang Panlahi

Pakikipag-ugnayan laban sa kapootang panlahi

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.