
Pahayag ni Rep.Isidro T. Ungab:
Nagsalita na ang Korte Suprema: unconstitutional ang 2024 at 2025 national budgets.
Nilampasan o nag exceed ang Kongreso sa budget na inirekomenda ng Pangulo: ₱449.5 bilyon na dagdag sa unprogrammed appropriations noong 2024, at ₱17.99 bilyon sa DPWH Special Road Fund noong 2025.
Higit pa rito, walang rekord ng mga talakayan ng Bicameral Conference Committee. Hindi ipinaliwanag ng report nila ang mga dinagdag at binawas, at walang isinumiteng dokumentong sumusuporta rito.
Kaya hindi puwedeng kalimutan ang 28 blangkong items sa 13 pahina ng pirmadong 2025 Bicam Report.
Pinirmahan ang report na may mga blangko. Anong halaga ang dapat nakalagay doon? Sino ang nagpasya? Kailan?
May obligasyon na paliwanag ang mga pumirma sa taumbayan. Hindi sagot ang katahimikan.
Nakabinbin pa rin sa Korte Suprema ang petisyon namin ni Atty Vic Rodriguez tungkol sa mga blangkong items na ito.
Itutuloy namin ito hanggang dulo.