News Release
Binago ang QR code ng talaan ng bakuna para sa paglalakbay
Ang mga Albertan na nagpaplanong maglakbay ay maaaring mag-download ng binagong talaan ng bakuna na may QR code na gagamitin sa loob at labas ng Canada sa Nobyembre 24.
Ang mga talaan ng bakuna ng Alberta ay babaguhin upang matugunan ang inirerekomendang pamantayan sa Canada para sa lokal at internasyonal na paglalakbay. Ang binagong talaan ay makukuha sa Nobyembre 24 sa alberta.ca/CovidRecords. Kasama rin dito ang mga gitnang pangalan at ang talaan ay nasa parehong opisyal na wika.
Hindi na kailangan ng mga Albertan na i-save o muling i-print ang binagong bersyon na mayroon nang QR code ng talaan ng bakuna kung hindi nila balak na maglakbay. Maaaring patuloy na gamitin ng mga Albertan ang kanilang na-save na talaan ng bakuna na may QR code para mapuntahan ang mga lokal na negosyo at mga lugar na nakikilahok sa Programa ng Iksemsyon sa mga Paghihigpit [Restrictions Exemption Program (REP)].
Makikilala ng QR code na scanning app ng Alberta ang kasalukuyan at binagong QR code na talaan ng bakuna.
“Pinapadali namin para sa mga Albertan na maglakbay sa loob at labas ng bansa na may kinikilalang internasyonal na patunay ng pagbabakuna. Milyun-milyong nabakunahang mga Albertan ay mayroon nang matatag na QR na talaan ng bakuna at magagamit pa rin nila ito upang ligtas na matamasa ang mga aktibidad sa loob ng ating lalawigan. Ang isang binagong QR code ay magbibigay-daan sa mga gustong maglakbay nang mabilis at madaling magbigay ng patunay ng pagbabakuna.”
Jason Copping, Ministro ng Kalusugan
Ang mga Albertan na nagpaplanong maglakbay ay kailangang tingnan ang mga kinakailangang dokumento sa paglalakbay sa Pamahalaan ng Canada at sa kanilang destinasyon bago ang anumang pagitan ng probinsiya o internasyonal na paglalakbay.
Ang mga Albertan ay maaaring makakuha ng naka-print na talaan ng bakuna na may QR code nang walang bayad sa pamamagitan ng pagbisita sa isang tanggapan ng ahente ng pagpapatala o sa pamamagitan ng pagtawag sa 811.
Tinatanggap na patunay ng pagbabakuna para sa REP: mga rekord na hindi Albertan
Ang mga patron na nabakunahan sa labas ng Canada, kabilang ang mga internasyonal na manlalakbay, ay maaaring gamitin ang kanilang sa-labas-ng-bansang mga talaan ng bakuna kasama ng isang balidong ID tulad ng isang pasaporte. Ang mga patron na nabakunahan sa ibang mga lalawigan at mga teritoryo ay kinakailangang gamitin ang mga talaan ng bakuna ng kanilang hurisdiksyon na may QR code, dahil ang ibang mga anyo ng mga talaan ay hindi na tinatanggap sa REP.
Lubos na hinihikayat ang mga negosyo at mga lugar sa Alberta na gamitin ang AB na Taga-pagpapatunay ng mga Talaan sa Covid [AB Covid Records Verifier] na app upang kumpirmahin na ang kanilang katayuan ng pagbabakuna ng mga patron ay nakakatugon sa mga kinakailangan ng REP. Kung ang app ay nagpapakita ng isang ‘hindi balido ang talaan’ o ‘hindi mahanap ang talaan’ na mensahe, ang patron ay hindi makakapasok sa isang lugar. Maaaring i-scan ng app ang mga talaan gamit ang mga QR code na inisyu ng ibang mga lalawigan at mga teritoryo pati na rin ang mga talaan ng Canadian Armed Forces.
Para sa mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang at mas matanda, dapat tingnan ng mga negosyo ang balidong ID na tumutugma sa pangalan at petsa ng kapanganakan sa talaan ng bakuna kasama ang anumang tinatanggap na uri ng patunay ng pagbabakuna.
Mabilis na mga Katotohanan
- Sa kasalukuyan, ang pag-akses sa alberta.ca/CovidRecords ay limitado sa loob ng Canada. Ang paglilimita sa pag-akses sa Canada ay isa sa maraming mga kagamitan na ginagamit upang makatulong ang paggamit ng mga pampublikong website, protektahan ang impormasyon ng mga Albertan at bawasan ang panganib ng mga pag-atake sa cybersecurity.
- Hindi kailangang gumawa ng account ang mga Albertan para makuha ang kanilang mga talaan sa pamamagitan ng alberta.ca/CovidRecords. Kailangan lang nilang ipasok ang buwan at taon ng pagbabakuna ng anumang dosis, Personal na Numero ng Kalusugan ng Alberta [Alberta Personal Health Number] at petsa ng kapanganakan. Maaaring tumagal ng dalawang linggo bago makuha ang talaan pagkatapos mabakunahan.
- Ang mga naunang talaan ng pagbabakuna sa Alberta na walang QR code, kabilang ang mga mula sa mga tagabigay ng bakuna at ang mga na-save mula sa MyHealth Records, ay hindi na tinatanggap bilang patunay ng pagbabakuna sa ilalim ng Programa ng Iksemsyon sa mga Paghihigpit.
- Sinuman na may nawawala o maling impormasyon sa kanilang talaan ng bakuna o may mga problema sa pagkuha nito ay maaaring pumunta sa alberta.ca/CovidRecordsHelp.
- Sa kasalukuyan, 38 sa 48 First Nations ang maaaring makakuha ng talaan ng bakuna gamit ang isang QR code sa pamamagitan ng alberta.ca/CovidRecords. Ang Alberta ay patuloy na makikipagtulungan sa mga natitirang First Nations upang idagdag ang kanilang mga talaan ng pagbabakuna sa mga darating na linggo.
- Ang patunay ng pagbabakuna para sa mga miyembro ng Canadian Armed Forces ay patuloy na tatanggapin.
- Ang paglikha o paggamit ng maling talaan ng pagbabakuna ay isang paglabag na napapailalim sa pag-uusig at/o mga multa na hanggang $100,000 para sa unang beses na pagkakasala.