Alberta / covid 19

Pagpapalawak ng tagasunod na bakuna sa COVID-19 sa lahat ng mga Albertan na 18 taong gulang at pataas

Palabas na balita
 

Ang pinalawak na pagkakaroon ng magagamit na pangatlong mga dosis ng bakuna sa COVID-19 ay makakatulong sa mga Albertan na mapataas ang kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

Simula sa Disyembre 2, lahat ng mga Albertan na may edad 60 taong gulang at mas matanda ay maaaring gumawa ng mga tipanan para sa booster [tagasunod na dosis] ng mRNA na bakuna pagkatapos ng anim na buwang matanggap ang kanilang pangalawang dosis. Makukuha ang mga unang tipanan simula Disyembre 6.
Ang lahat ng iba pang mga Albertan na may edad na18 taong gulang at pataas ay aabisuhan kapag ang susunod na pangkat ng edad ay makakagawa ng mga tipanan. Ang mga karagdagang pangkat ng edad ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Ang kasalukuyang ebidensya ay nagpapahiwatig na ang pagiging epektibo ng bakuna laban sa impeksyon sa COVID-19 ay lumilitaw na humihina sa paglipas ng panahon. Habang nananatiling malakas ang indibidwal na proteksyon laban sa malalang resulta pagkatapos ng dalawang dosis para sa karamihan ng mga tao, marami pa rin sa ating mga komunidad ang ganap na hindi protektado, at ang ikatlong dosis ay makakatulong na mapalakas ng proteksyon ng populasyon at limitahan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang pagpapalawak ng pagiging karapat-dapat sa tagasunod [booster] na dosis ay ipinaalam sa pamamagitan ng payo ng Komite ng Pagpapayo sa Pagbabakuna ng Alberta [Alberta Advisory Committee on Immunization].

Paggagawa ng tipanan para sa mga tagasunod [booster] na dosis

Epektibo sa Disyembre 2, ang mga karapat-dapat na indibidwal ay maaaring gumawa ng tipanan para sa pangatlong dosis sa online sa mga nakikilahok na parmasya sa pamamagitan ng paggamit ng booking system [sistema sa paggawa ng tipanan] sa bakuna ng Alberta. Ang mga Albertan ay maaari ding tumawag sa 811, mga kalahok na parmasya o mga kalahok na opisina ng mga manggagamot. Makukuha ang mga unang tipanan simula Disyembre 6.
Ang pagiging kwalipikado sa tagasunod [booster] na dosis ay batay sa petsa ng kapanganakan. Ang mga Alberan na 59 taong gulang patungong 60 taong gulang, at First Nation, Metis o Inuit na mga indibidwal na 17 at 18 taong gulang, ay hinihiling na huwag gumawa ng mga tipanan bago ang kanilang kaarawan.
Ang mga Albertan na dating karapat-dapat para sa mga pangatlong dosis ay patuloy na makakagawa ng kanilang mga tipanan.

Mga Albertan na karapat-dapat para sa mga karagdagang dosis 

Kabilang sa mga Albertan na karapat-dapat para sa mga karagdagang dosis ngayon ay ang:
Karapat-dapat ng hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos matanggap ang kanilang pangalawang dosis:

Mga Albertan na may edad na 60 taong gulang at higit pa

Mga taong First Nations, Métis, at Inuit na 18 taong gulang at higit pa

Mga manggagawa ng pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay ng direktang pangangalaga sa pasyente at nakatanggap ng kanilang pangalawang dosis nang wala pang walong linggo pagkatapos ng kanilang unang dosis

Mga indibidwal na nakatanggap ng dalawang dosis ng AstraZeneca o isang dosis ng bakunang Janssen


Karapat-dapat ng hindi bababa sa limang buwan pagkatapos matanggap ang kanilang pangalawang dosis:

Mga nakatatanda na nakatira sa sama-samang pangangalaga


Karapat-dapat ng hindi bababa sa walong buwan pagkatapos matanggap ang kanilang pangalawang dosis:

Mga indibidwal na may mga karapat-dapat na immunocompromising na kondisyon


Mabilis na mga Katotohanan

Sa ngayon, 378,507 mga Albertan ang nakatanggap ng pangatlong dosis ng bakuna sa COVID-19.

84.1 porsyento ng mga karapat-dapat na Albertan na 12 taong gulang at mas matanda ay nakatanggap ng dalawang dosis ng bakuna sa COVID-19 habang 88.8 porsyento ay nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis.


Kaugnay na impormasyon

Mga bakuna sa COVID-19 at mga tala

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.