Alberta

Malapit nang dumating ang inflation relief portal at mga pagbabayad

Palabas na balita

Malapit nang dumating ang inflation relief portal at mga pagbabayad

Ang buwanang $100 na kabayaran para sa pagiging abot-kaya para sa mga pamilya, mga nakatatanda, at mahinang mga tAlbertan ay malapit nang ilabas, at ang mga taga-Alberta ay maaari nang kumilos ngayon upang maghanda.

Ang ekonomiya ng Alberta ay matatag na nakabawi, subalit maraming tao ang nagpupunyaging magpainit ng kanilang mga tahanan at pakainin ang kanilang mga pamilya. Ang pamahalaan ng Alberta ay tumugon nang may pinakamalaking pakete ng tulong sa inflation sa Canada, na may makabuluhan na malawak na batayan at target na mga panustos. Simula sa buwang ito, anim na buwan ng abot-kayang mga kabayaran ang magsisimula para sa mga Albertan sa pamamagitan ng isang aplikasyon at sistema ng pamamahagi na mabilis, mabisa at ligtas.

Mula Enero 18, ang mga nakatatanda na 65 taong gulang o mas matanda pa na hindi tumatanggap ng Benepisyo ng mga Matatanda sa Alberta (Alberta Seniors Benefit) at mga kuwalipikadong magulang na may mga anak na wala pang 18 taong gulang ay maaaring mag-aplay online sa pamamagitan ng portal ng pamahalaan o sa personal sa mga lugar sa lalawigan para sa $600 na buwanang mga pagbabayad para sa pagiging abot-kaya.

Para magamit ang portal, ang mga karapat-dapat na magulang at mga nakatatanda ay kailangang magkaroon ng Napatunayang Account (Verified Account). Upang matiyak na maayos hangga’t maaari ang proseso ng aplikasyon, dapat na magpatala ang mga Albertan para sa kanilang Napatunayang Account o kumpirmahin na mayroon silang umiiral na Napatunayang Account na may tamang impormasyon sa lalong madaling panahon.

Maraming mga Albertan na tumatanggap ng ganitong tinatarget na mga kabayaran sa pagtulong ang awtomatikong nakatala para sa programa at hindi na kailangang mag-aplay upang tumanggap ng benepisyo.

Kasama ang mga Foster at Kamag-anak na Tagapagbigay ng Pangangalaga, ang sinuman na kasalukuyang tumatanggap ng regular na buwanang benepisyo sa pamamagitan ng Assured Income para sa Malubhang Kapansanan (AISH), Income Support o Alberta Seniors Benefit, o tumatanggap ng mga serbisyo sa pamamagitan ng programang Persons with Development Disabilities (PDD) ay awtomatikong tatanggap ng kanilang unang bayad simula sa Enero 31.

Mga pagbabayad para sa pagiging abot-kaya para sa mga kliyente ng AISH, Income Support at PDD

Lahat ng kliyente na nag-aakses sa AISH, Income Support o PDD ay awtomatikong nakatala sa programa at hindi na kailangang magpatala para tumanggap ng kanilang mga benepisyo. Tatanggap sila ng kanilang unang $100 na pagbabayad simula sa Enero 31.

Ang mga pagbabayad ay ibibigay sa katulad na paraan gaya ng regular na buwanang benepisyo ng kliyente, ito man ay sa pamamagitan ng awtomatikong deposito o pisikal na tseke.

Ang mga pagbabayad ay ipapadala sa pamamagitan ng pisikal na tseke para sa mga umiiral na kliyente ng PDD na hindi nakakatanggap ng mga benepisyo ng AISH o Income Support.

Direkta ding aabisuhan ang mga benepisyaryo tungkol sa kanilang pagpapatala sa programa ng pagbabayad at kaugnay na impormasyon.

Ang mga kabayarang ito ay ituturing na libreng kita ng mga programa sa AISH at Income Support at hindi maaapektuhan ang pagiging karapat-dapat o pinansiyal na mga benepisyo.

Ang mga magulang sa mga programang ito na may mga anak na wala pang 18 taong gulang ay maaari ring tumanggap ng $600 na karagdagang bayad sa bawat bata. Kailangan nilang mag-apply sa online o sa personal para sa mga bayad na ito simula Enero 18.


Pagbabayad para sa mga nakatatanda

Lahat ng mga Albertan na 65 o mas matanda na may mga sambahayang kita na mababa sa $180,000 ay malapit nang maging karapat-dapat para sa $600 ng anim na buwan sa buwanang pagbabayad para sa pagiging abot-kaya.

Ang mga Albertan na tumatanggap ng Alberta Seniors Benefit ay awtomatikong nakatala sa programa at hindi na kailangang magpatala upang tumanggap ng kanilang mga benepisyo. Ang pamamahagi ng karagdagang buwanang pagbabayad ay magsisimula sa Enero 31.

Ang mga karapat-dapat na nakatatanda na hindi tumatanggap ng Alberta Seniors Benefit ay kailangang mag-aplay para sa mga pagbabayad para sa pagiging abot-kaya sa pamamagitan ng paggawa o pagkumpirma ng kanilang Napatunayang Account at pag-apply para sa mga benepisyo sa pamamagitan ng online na portal o nang personal sa isang tanggapan ng pagpapatala o sa pamamagitan ng Alberta Supports kapag nagbukas ang portal sa Enero 18.

Mga pagbabayad para sa pagiging abot-kaya para sa mga magulang o mga  tagapag-alaga na nag-aalaga sa mga batang wala pang 18 taong gulang

Ang mga pamilyang may sambahayang kita na mas mababa sa $180,000 bawat taon ay malapit nang makatanggap ng kabuuang $600 para sa bawat umaasang bata na wala pang 18 taong gulang sa loob ng anim na buwan. Ang mga karapat-dapat na magulang ay maaaring mag-aplay para sa mga pagbabayad para sa pagiging abot-kaya sa pamamagitan ng paggawa o pagkumpirma ng kanilang Napatunayang Account at pag-a-apply para sa mga benepisyo sa pamamagitan ng online na portal o nang personal sa isang tanggapan ng pagpapatala o sa pamamagitan ng Alberta Supports kapag nagbukas ang portal sa Enero 18.

Mga pagbabayad para sa pagiging abot-kaya para sa mga foster at kamag-anak na tagapagbigay ng pangangalaga ng mga batang wala pang 18 taong gulang

Ang mga karapat-dapat na kamag-anak o foster na tagapagbigay ng pangangalaga sa pamilya na nag-aalaga ng isang bata na wala pang 18 taong gulang ay awtomatikong nakatala sa programa at hindi na kailangang magpatala upang tumanggap ng kanilang kabayaran para sa pagiging abot-kaya. Tatanggapin nila ang kanilang unang pagbabayad sa katapusan ng Enero.

Ang mga pagbabayad ay ibibigay sa katulad na paraan bilang regular na buwanang benepisyo, ito man ay sa pamamagitan ng awtomatikong deposito o pisikal na tseke.

Ilalabas ang buwanang pagbabayad simula sa Enero 31.


Ang pamahalaan ng Alberta ay naghahatid ng kagyat na tulong sa halaga ng pamumuhay at inflation samantalang nagtatrabaho rin upang suportahan ang pangmatagalang pagiging abot-kaya. Mas higit pang matututuhan ng mga Albertan ang tungkol sa lahat ng batay sa malawak at tinatarget na pagbabayad para sa pagiging abot-kayang mga tulong na programa sa online.

Mabilis na mga Katotohanan:

Gagamitin ng pamahalaan ng Alberta ang CRA 2021 na datos ng buwis upang tiyakin ang pagiging karapat-dapat batay sa kita.

Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang Hunyo 30, na may mga bayad na retroactive upang isama ang mga nakaraang buwan kung kailan ang isang tao ay karapat-dapat.

Kapag matagumpay na nakumpleto ang proseso ng aplikasyon, ang karamihan ng mga Albertan ay tatanggap ng mga pagbabayad sa katapusan ng buwang iyon. Ang eksaktong panahon ay mag-iiba-iba para sa bawat indibiduwal.

Mula noong 2015, ang Alberta ay nagpatunay na ng mga account bilang isang ligtas na paraan para ligtas at siguradong ma-akses ng mga Albertan ang mga dumaraming serbisyo ng pamahalaan.

Katulad ng lahat ng mga online na account, ang mga Albertan ay dapat na gumamit ng matibay na mga password at hindi dapat ibahagi ang kanilang password sa iba. Ang mga tip kung paano lilikha ng matibay na password ay makukuha sa site ng Pamahalaan ng Alberta.

Ang pamahalaan ng Alberta ay hindi magpapadala ng mga text o e-mail na humihiling sa mga Albertan na magpadala ng personal o banking na impormasyon para tumanggap ng bayad.


Ang karagdagang impormasyon, kasama na ang video at mga sagot sa mga tanong, ay makukuha sa alberta.ca/affordable.
 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.