Palabas na balita
HCAP: Pagbabawas ng mga oras ng paghihintay sa operasyon sa Calgary
Ang mga Albertan ay magkakaroon ng akses sa libu-libong higit pang pinondohan ng publiko na mga ortopedik na pag-oopera sa Pasilidad ng Paupahang Kirurhiko ng Calgary [Calgary Chartered Surgical Facility] bilang bahagi ng Plano ng Aksyon sa Pangangalagang Pangkalusugan [Health Care Action Plan (HCAP)].
Ang Alberta ang may pinakamahusay na mga front-line na manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa mundo, at ang pamahalaan ng Alberta ay nagtatrabaho upang matiyak na ang mga Albertan ay makakakuha ng pangangalagang kailangan nila, kung kailan at saan nila ito kailangan.
Ang pagbabawas ng mga oras ng paghihintay sa operasyon ay natukoy bilang pangunahing priyoridad sa Plano ng Aksyon sa Pangangalagang Pangkalusugan, na inilabas noong Nobyembre. Upang makatulong na makamit ang layuning ito, ang pamahalaan ng Alberta ay kumukontrata ng mas maraming mga pampublikong pinondohan na operasyon mula sa mga independiyenteng pasilidad.
Ang mga Solusyon sa Pag-oopera ng Canada [Canadian Surgery Solutions] ay mag-aalok ng mahigit sa 3,000 karagdagang mga pagpapalit ng balakang at tuhod at iba pang operasyon ng kasukasuan sa isang taon sa ilalim ng bagong kontrata sa mga Serbisyong Pangkalusugan ng Alberta (Alberta Health Services), simula ngayong buwan.
Ang Plano ng Aksyon sa Pangangalagang Pangkalusugan ay nagbibigay ng mandato para sa opisyal na tagapangasiwa ng AHS na bawasan ang mga oras ng paghihintay sa operasyon sa mga inirerekomendang klinikal na panahon. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng higit pang mga operasyon sa mga hindi ginagamit na silid ng pag-oopera at paupahang surgical na pasilidad, mas maagang matatanggap ng mga Albertan ang kanilang mga operasyon.
Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 6,000 mga katao sa Calgary ang naghihintay para sa mga ortopedik na operasyon. Mahigit sa kalahati ang naghihintay nang mas matagal kaysa sa klinikal na naaangkop na oras para sa mga pagpapalit ng tuhod at balakang. Ang kontratang ito ay magpapataas ng ortopedik na pamamaraan na isinagawa sa lugar ng Calgary ng 21 porsyento kumpara noong 2021-22.
Pagpapadali ng mga pagsasangguni sa operasyon
Ang mga Albertan ay magkakaroon na ngayon ng mas mabilis na pag-ases sa mga pagsasangguni ng ortopedik na surgeon at urolohista sa pamamagitan ng isang bagong programa – ang Pinadaling Pagkuha sa Dalubhasang Paggagamot ng Alberta [Alberta Facilitated Access to Specialized Treatment (FAST)]. Ang mga doktor ng pamilya at iba pang tagapagkaloob sa buong Alberta ay maaaring magpadala ng mga pagsasangguni sa sentral na pangkat ng FAST, na pagkatapos ay magtatalaga ng pagsasangguni sa isang espesyalista na may pinakamaikling listahan ng paghihintay. Ang programa sa buong lalawigan ay inilunsad sa mga yugto simula noong Agosto at mula noon ay namahala ng mahigit sa 18,500 mga pagsasangguni para sa isang urolohista o ortopedik na surgeon.
Pagdaragdag ng kapasidad ng operasyon sa mga ospital
Ang ilang mga aksyon ay isinasagawa upang palakasin ang kapasidad ng operasyon sa mga ospital, kabilang ang pagpapahaba ng mga oras ng surgical suite ng pangunahing silid ng pag-oopera. Ang mga bagong silid ng pag-oopera ay idinadagdag sa mga ospital sa buong lalawigan, kabilang ang sa Calgary, Edmonton, Edson, Grande Prairie, Lethbridge, Medicine Hat at Rocky Mountain House. Nagbibigay ang Badyet 2022 ng $133 milyon sa loob ng tatlong taon upang palawakin at bumuo ng mga silid ng pag-oopera. Ang paglipat ng higit pang mga ortopedik na operasyon at mga pamamaraan sa mga paupahang surgical na pasilidad ay magpapalaya ng espasyo para sa silid ng pag-oopera sa mga ospital upang makapagbigay ng mga mas kumplikadong operasyon.