Pahayag
Ang mga paaralan ng Edmonton ay lilipat sa pag-aaral sa bahay: Ministro LaGrange
Ang Ministro ng Edukasyon na si Adriana LaGrange ay naglabas ng sumusunod na pahayag hinggil sa pansamantalang paglipat ng paaralang Publiko at mga Katoliko ng Edmonton sa pag-aaral sa bahay:
“Sa kahilingan ng mga lupon ng paaralan, ang mga mag-aaral sa Grades 7 hanggang 12 sa Edmonton Public Schools at Edmonton Catholic Schools ay lilipat sa pag-aaral sa bahay simula sa Abril 22 sa loob ng dalawang linggo.
“Naiintindihan ko na ito ay mahirap na balita sa maraming mag-aaral, magulang at guro, dahil ang pag-aaral sa loob ng silid-aralan ay may malaking pakinabang. Gayunpaman, dahil sa mga pag-aalala sa pagpapatakbo, kinakailangan ang pansamantalang paglilipat na ito upang matiyak na magpatuloy ang pag-aaral.
“Ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ay magpapatuloy na aking pangunahing priyoridad habang tinatapos natin itong taon ng pag-aaral. Nais kong ibigay ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga guro at tagapangasiwa sa kanilang patuloy na pag-aalalay sa mga mag-aaral ng Alberta sa buong pandemiya.
“Ang mga pagpapasya upang aprubahan ang kahilingan ng lupon ng paaralan na lumipat sa pag-aaral sa bahay dahil sa mga pagsasaalang-alang sa pagpapatakbo ay batay sa apat na pamantayan:
Matinding kakulangan ng pamalit na guro.
Makabuluhang bilang ng mga mag-aaral at kawani na nasa kuwarentenas o naihiwalay.
Kamakailang mga kahilingan mula sa lupon para sa panandaliang paglilipat ng ilan sa kanilang mga paaralan.
Maraming mga kaso ng COVID-19 sa pamayanan. “